A Daughter's Story

These are times when I feel weaker. It’s Mama’s last night with us before she goes abroad again. Hindi pa rin ako sanay. Taon-taon naman (except for last year and a few years before) umaalis siya. Pero hindi ko namang magawang masanay.

Sabi ko nga dati sa isa kong blog, hindi importante sa akin na mamiss niya yung special holidays, or kahit yung birthday ko. May mga araw na kelangan ko lang siya. Yung mga araw na malulungkot na lang ako bigla kasi hinahanap-hanap ko yung ingay niya, yung paglalambing niyang wala lang.. bigla lang kukulitin ka. Those days when you don’t feel okay due to other people and when she tells you that you’re way better than them (na kahit alam mong bola lang dahil anak ka niya,) magiging okay ka.

Kapag wala siya, feeling ko walang magtatanggol sa akin. Na feeling ko sasabak ako sa gyera na hindi protektado. Na tuwing may family gathering feeling ko wala ako dun kasi wala si Mama. Na I don’t matter kasi wala yung koneksyon ko sa lahat ng taong andun.

Kanina bago siya matulog, naaway ko pa siya. Kasi naman naclose niya lahat ng tabs para sa research paper ko. Nung lumipat siya sa kwarto nila nalungkot ako kasi bakit ba ako nagalit pa. Pwede ko naman hanapin sa history ng Chrome yung links. Tapos naisip ko na lang uli na aalis na siya bukas. Na pa’no na lang yung gigising sa akin sa umaga kapag tanghali yung gising ko. Sino na lang yung itetext ko tuwing Wednesday para may kasabay ako pauwi kapag galing siyang Baclaran. Na umalis na nga si Ate tapos aalis pa si Mama.

Ilang beses na kaming nag-away. Nagsumbatan tungkol sa pag-alis niya. Na naiwan akong walang Nanay habang lumalaki. I’ve always thought the the gap between us is something we won’t be able to fill anymore. But then I’ve realized that the gap wasn’t that, it was only the distance keeping us far away from each other in a certain period of time. And whatever that gap is, it’s solved by proper communication and a little pinch of us missing each other.

I love you, Mama! Ingat ka lagi. Mamimiss kita ng sobra-sobra! Wag kang mag-alala, ako bahala kay Chichi. Love ka namin. Kami muna magmamahal-mahalan ah. Hintayin ka namin sa September. 🙁 🙂

P.S.

Yung title nakuha ko lang sa “A Mother’s Story” na pinapanood nila kanina. 😛

You may also like

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge